Tuklas UPLB: 1Health Mobile Lab
S7E7 - 1Health

Samahan natin si Dr. Yusuf Sucol sa episode na ito nang maibahagi niya ang 1HEALTH Mobile Lab. Nangangahulugang One Human-Environment-Animal Linkage for Total Health, ang 1HEALTH Lab ay nakakabigay ng serbisyong makakatulong sa pagkontrol at pagbantay ng mga sakit katulad ng ASF, AI, at AMR. Alamin ang kahalagahan ng mobile lab na ito sa pagpapanatili ng kalusugan ng tao, kapaligiran, at hayop sa Tuklas UPLB!

Ang Tuklas UPLB ay isang segment na parte ng programang Galing UPLB sa Radyo DZLB (facebook.com/RadyoDZLB) na nila-livestream tuwing Biyernes, alas-tres ng hapon. Dito namin pinapakita ang ilang proyekto, serbisyo, at teknolohiya ng unibersidad.