Tuklas UPLB: BIDANI Network Program

Tara at tuklasin ang extension program na pinangungunahan ng pamantasan ukol sa wastong nutrisyon sa bawat pamayanan – ang BIDANI Network Program! Samahan si Dr. Clarissa Juanico, ang BIDANI Project Leader at isang Associate Professor mula sa Institute of Human Nutrition ng College of Human Ecology.
Ang Tuklas UPLB ay isang segment na parte ng programang Galing UPLB sa Radyo DZLB (facebook.com/RadyoDZLB) na nila-livestream tuwing Biyernes, alas-tres ng hapon. Dito namin pinapakita ang ilang proyekto, serbisyo, at teknolohiya ng unibersidad.