Tuklas UPLB: Lung Cancer Detection
Ngayong episode ng Tuklas UPLB, alamin ang tungkol sa pananaliksik nina Dr. Gladys Cherisse J. Completo at Dr. Ruel C. Nacario na pinamagatang “Sugars as potential biomarker in Lung Cancer and anti-cancer screening of natural products.” Tatalakayin ni Dr. Completo kung paano nakakaapekto ang asukal sa katawan at paano ito tumutugon sa presensya ng mga cancer cells.
Ang Tuklas UPLB ay isang segment na parte ng programang Galing UPLB sa Radyo DZLB (facebook.com/RadyoDZLB) na nila-livestream tuwing Biyernes, alas-tres ng hapon. Dito namin pinapakita ang ilang proyekto, serbisyo, at teknolohiya ng unibersidad.