Tuklas UPLB: National Corn-based Farmer-Scientists RDE Training Program
S7E1 - FSTP

Sa pagtatanghal ng National Corn-based Farmer-Scientists RDE Training Program, makakasama natin sina Mr. Augustus Franco B. Jamias, Communication Specialist, at si Mr. Anecito M. Anuada, Assistant Program Leader for Field Operations. Alamin ang kahalagahan ng programa na ito sa paghahanda at pagpapalakas ng mga magsasaka bilang mga siyentipiko sa kanilang mga komunidad. Tunghayan ang kanilang mga kuwento at karanasan sa programa na naglalayong mapalakas ang sektor ng agrikultura sa bansa

Ang Tuklas UPLB ay isang segment na parte ng programang Galing UPLB sa Radyo DZLB (facebook.com/RadyoDZLB) na nila-livestream tuwing Biyernes, alas-tres ng hapon. Dito namin pinapakita ang ilang proyekto, serbisyo, at teknolohiya ng unibersidad.