Tuklas UPLB: Rice Straw Biogas Project
Alam ninyo ba na ang dayami na madalas tinatapon ng mga magsasaka pagkatapos ng pag-aani ng palay ay maaaring pagmulan ng biogas na isang renewable energy? Tampok ang teknolohiyang ito sa pangatlong episode ng Tuklas UPLB.
Panoorin ang aming maikling interview kasama si Dr. Rex B. Demafelis, isang eksperto pagdating sa biofuels.
Ang Tuklas UPLB ay isang segment na parte ng programang Galing UPLB sa Radyo DZLB na nila-livestream tuwing Biyernes, alas-tres ng hapon. Dito namin pinapakita ang ilang proyekto, serbisyo, at teknolohiya ng unibersidad.