Tuklas UPLB: Synbiotic Ice Cream
Tara at magpalamig muna nang kaunti sa usapang halalan dahil aalamin natin sa Biyernes ang dinivelop na “synbiotic” ice cream ng Institute of Food Science and Technology ng UPLB College of Agriculture and Food Science! Kung ano ba ang ibig sabihin ng synbiotic, ‘yan ang ating tutuklasin, kasama si Asst. Prof. Bryan Rey R. Oliveros mula sa Institute of Food Science and Technology.
Ang Tuklas UPLB ay isang segment na parte ng programang Galing UPLB sa Radyo DZLB (facebook.com/RadyoDZLB) na nila-livestream tuwing Biyernes, alas-tres ng hapon. Dito namin pinapakita ang ilang proyekto, serbisyo, at teknolohiya ng unibersidad.