TUKLAS UPLB: Trichoderma
Mayroon bang pataba sa halaman na maaari din gamitin panangga sa sakit? Narito ang Trichoderma technology — isang biofertilizer na bunga ng pananaliksik ni Dr. Virginia C. Cuevas na isang professor emeritus at academician mula sa UP Los Banos.
Ang paggamit ng teknolohiyang ito ay inaasahan din na makabawas sa gastos ng mga magsasaka at makakatulong sa pag-protekta ng ating kalikasan.
Ang Tuklas UPLB ay isang segment na parte ng programang Galing UPLB sa Radyo DZLB na nila-livestream tuwing Biyernes, alas-tres ng hapon. Dito namin pinapakita ang ilang proyekto, serbisyo, at teknolohiya ng unibersidad.